Uumpisahan na ngayong araw ang pamamahagi ng kompensasyon para sa mga poultry raisers na apektado ng Bird flu outbreak sa Pampanga.
Ayon kay Secretary Manny Piñol, nasa DA Region 3 Office na ang thirty-one million pesos na calamity fund na bahagi ng serye ng tulong ng gobyerno.
Unang babayaran ang nasa tatlong daang libong poultry tulad ng manok, pugo at itik. Tataggap ang mga magsasaka ng eighty pesos sa bawat ulo ng nangingitlog na manok at itik, seventy sa mga broiler chicken at ten pesos naman sa pugo.
Porac, Pampanga – Inilabas na ng Police Regional Office 3 ang kopya ng cctv footage ng Chuzon supermarket sa kasagsagan na tumama ang 6.1 magnitude na lindol noong Lunes.
Sa isang video, makikita ang groundfloor ng gusali kung saan naroroon ang supermarket.
Sa lakas ng pagyanig nagtumbahan ang mga paninda mula sa estante at nagtakbuhan palabas ang mga empleyado.
Nakunan naman sa ikalawang video, ang second floor ng gusali na nagsisilbing opisina ng mga empleyado.
Sa tindi ng pag-uga, bumagsak at nawasak ng buo ang ikalawang palapag ng gusali sa groundfloor.
Ayon kay Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo, malaking tulong sa kanila ang kopya ng cctv, upang makumpirma na wala nang taong naiwan pa sa loob ng gusali.
“Sabi ko nga it would have been a different story marami po tayong casualty kung ang building po ay bumagsak ng flat po,ang nangyari duon paforward bumagsak pasulong kaya naispare ang mga tao sa supermarket” ayon kay Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo.
Kahapon ay napasok na ng mga rescuer ang groundfloor ng supermarket at kinumpirmang wala nang katawan na naipit duon.
“Ang nandun sa area talagang magkakadikit yung mga flooring po mula sa taas nakarating yung flooring ng 3rd floor pababa dun sa ground literaly ang kagandahan lang is yung ito lang area na ito ang bumagsak, yung supermarket area po buo yun hindi yun bumagsak kaya yung mga mga fear namin nun na mga customer na natrap na confirm po na wala kasi yung supermarket sa bandang likod hindi nagalaw except sa nga bumagsak na paninda” ani Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo.
Bagaman wala nang nakikitang senyales na may buhay pa sa ilalim ng gumuhong supermarket, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue at clearing operations sa lugar.
“Lahat po ng equipment na possible na gamitin to detect life and then yung cadaver kasi we are on our 4th day kung mayroon po tayong natrap diyan na patay sobrang mabaho na po at wala po tayong nadedetect ngayon even yung k-9 nag concentrate sa area kung saan naiwan po yung legs ng ating first survivor” pahayag ni Pampanga Provincial Police Director Colonel Jene Fajardo.
Samantala tiniyak naman ng may ari ng chuzon supermarket na hindi nya tatakasan at handang harapin ang mga kasong posibleng isampa laban sa kanya.
Ayon kay Police Regional Office 3 Deputy Director for Operations PSSUPT. Rhoderick Armamento, nakausap na nila si mr. Samuel chu at patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
“Yung abugado naman nya is also in constant coordination dun sa ating team na nagsasagawa ng imbestigasyon,from day 1 sinabi naman nya na hindi sya magtatago tutulong din sya infact dun sa mga naapektuhan”. Ayon kay Police Regional Office 3 Deputy Director for Operations PSSUPT.Rhoderick Armamento
Samantala, Napagalaman ng mga otoridad na mayroong 9 na branch ang chuzon supermarket. 5 sa mga ito ay matatagpuan sa pampanga, habang ang iba naman ay nakapwesto sa Tarlac at Bataan.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: CCTV, earthquake, Pampanga
Porac, Pampanga – Nagkasundo ang provincial board ng Pampanga na isailalim sa State of Calamity ang Ikalawang Distrito ng lalawigan matapos na mapinsala ng 6.1 magnitude na lindol na tumama noong Lunes.
Sa isang mensahe mula kay Vice Governor Dennis Pineda na siya ring Presiding Officer ng provincial board, ipinahayag nito na nagdeklara sila ng state of calamity upang matulungan ang nga residente at establisyimento na lubhang napinsala ng lindol.
Sa bisa ng deklarasyon ng state of calamity mas mapapabilis ang paggamit sa calamity ng isang lalawigan o syudad kapag lubhang nasalanta ng kalamidad.
Kabilang sa mga bayan na sakop ng ikalwang distrito ang floridablanca, guagua, lubao,porac, sta. rita at sasmuan.
Samantala, hawak na ng pulisya ang may ari ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac Pampanga.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, inimbitahan nila sa criminal investigation and detection group ang negosyante upang malaman kung may kapabayaan ito sa nangyaring aksidente.
“Si mr.chu is under the custody of porac police station he is under investigation para makita kung merong negligence we have also information na yung iba niyang building sa may apalit mukhang may crack din tinitignan din natin baka pati yun eh hindi nagconforme sa building code” pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde .
Samantala ipinagutos na rin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa iba pang local government unit sa Pampanga ang pagsususpinden sa business permit ng iba pang branch ng Chuzon Supermarket.
Layon nito na masigurong ligtas ang iba pa nilang establisyimento upang hindi na maulit ang trahedyang sinapit sa isa sa kanilang branch sa Porac Pampanga.
“Titignan natin factual basis yung sa plano ng kanyang structure hindi ito confirmed pero ang sabi ito daw ay dating 2 storey lang at inextend sa 4th floor tignan natin kung nasunod structural design nya isuspend muna yung business nitong nga chuzon supermarket hanggang sa verify natin na ito ay compliant sa building code” ani DILG Sec. Eduardo Año
Kahapon ay kumuha na rin ng forensic sample ng gumuhong gusali ang Department of Public Works and Highways (DPWH), upang masuri kung substandard o hindi ang ginamit sa materyales sa nasabing supermarket.
Ayon kay Sec. Villar posibleng tumagal ang pagsusuri sa loob ng 1 hanggang 2linggo bago malaman ang resulta.
“Magko conduct muna kami ng forensic analysis ng building so at this point nagcollect muna kami ng samples” ayon kay DPWH Sec. Mark Villar.
Samantala, personal na bumisita kahapon sa Porac Pampanga si Pangulong Rodrigo Duterte upang aktwal na makita ang pinsalang iniwan ng lindol.
Pagkatapos nito ay pinulong rin ng pangulo ang iba pang mga disaster official sa provincial capitol office ng Pampanga.
(Joan Nano | Untv News)
Tags: Pampanga, President Rodrigo Duterte, state of calamity
Umabot na sa 600 na ektarya ang dapat sana’y 18 ektarya lamang na inilaang lugar ng pagmimina sa Porac, Pampanga. Kayat inireklamo ng mga katutubong Aeta ang quarrying activities doon dahil sinisira anila nito ang kanilang iniingatang yaman at ancestral domain.
Bilang tugon, isang operasyon ang isinagawa ng National Bureau of Investigation – Environmental Crimes Division sa dalawang planta at quarrying site sa Barangay Manuali, Porac, Pampanga.
Arestado ang 30 indibidwal dahil sa illegal quarrying kabilang ang kapitan ng barangay at tatlong Chinese nationals na pumasok lamang sa bansa bilang mga turista.
Nakumpiska rin ng mga otoridad ang 1 bilyong pisong halaga ng heavy equipment, makinarya, conveyances at naminang mineral.
Isang Ryan Clarete na may-ari umanong ng Clarete mining at isang Anson Tinglao na major stockholder ng Tag Mineral Resources Inc. ang sinasabing nagsasagawa ng quarrying sa lugar.
Nahaharap ang tatlumpung naaresto sa paglabag sa Section 103 ng Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995 at Section 10 o paglabag sa Indigenous People’s Rights Act of 1997.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: Chinese nationals, lahar sand, Pampanga