Pamunuan ng NLEX at SLEX, handa na sa pagdagsa ng nasa 500,000 motorista simula Myerkules

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 1745

NLEX
Nasa limandaan libong motorista ang inaasahang dadagsa sa North at South Luzon Expressway sa Miyerkules ng hapon at Huwebes ng umaga upang umuwi sa mga probinsya para sa long holiday.

Bilang paghahanda, magdadagdag ng mga ambulant teller ang NLEX at SLEX upang maiwasan ang congestion sa mga toll gate.

Bubuksan din lahat ng mga collection points sa mga toll gate upang mas mabilis ang pagdaan ng mga sasakyan.

Magpapakalat ng mga first aid station sa mga naturang highway para sa mga motorista, mayroon ding free call at wifi sa ilang piling lugar dito.

(UNTV NEWS)

Tags: ,