Pananagutan ng pamahalaan at mga paraan upang resolbahin ang pagkalat ng fake news, tatalakayin sa Senado

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 5867

Magdaraos ng pagdinig ang senado sa isyu ng pagkalat ng fake news ngayong linggo.

Sinabi ni Senate Committee on Public Information Chair Senator Grace Poe, kabilang sa tatalakayin ang epekto ng fake news sa publiko, paano mapipigil ang paglaganap nito sa social media at ang pananagutan ng pamahalaan .

Labimpitong resource person ang inaasahang dadalo sa pagdinig na kinabibilangan ng mga blogger, media personalities at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Tags: , ,