Pang. Aquino, kinukumbinsi na rin ang mga lokal na opisyal na suportahan si Sec. Roxas sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | August 4, 2015 (Tuesday) | 1045

PNOY
Nanguna si Pangulong Benigno Aquino III sa pagbibigay ng suporta kay DILG Secretary Mar Roxas na tatakbong presidente sa 2016.

Mahigit isang libo ang dumalo sa pagtitipong isinagawa sa San Juan City na dinaluhan ng mga Mayor, Governor, Congressmen at Liga ng mga Barangay, bilang pagpapakita ng suporta kay Roxas.

Sa speech ni Pangulong Aquino sa muli nitong sinabing walang ibang maaaring magpatuloy ng daang matuwid kundi si Roxas.

Kabilang sa mga Mayor na dumalo sa pagtitipon sina Quezon City Mayor Herbert Bautista, Marikina Mayor Del de Guzman at iba pang mayor ng malalaking siyudad.

Bagaman isang miyembro ng minority group,dumalo rin sa pagtitipon si Yakap Representative Carol Lopez upang ipakita ang suporta kay Roxas,na isa aniya sa kanyang matalik na kaibigan.

Tampok rin sa pagtitipon ang wall signing, kung saan pumirma at nagpahayag ng suporta ang mga miyembro ng Liberal Party para sa kanilang pampabato sa panguluhan sa darating na eleksyon.

Naniniwala naman si Ifugao Lone District Representive Teddy Baguilat na makatutulong ang pagkakaroon ng mga programang maka-masa ni Roxas, upang mapalapit ito sa puso ng taumbayan at umangat sa resulta ng mga survey.

Tags: ,