Pang. Duterte at Misuari, muling nagpulong sa Malacañang

by Radyo La Verdad | March 21, 2019 (Thursday) | 887

MALACAÑANG, Philippines – Nagpulong muli sa Malacañang si Pang. Duterte at Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari nitong Martes, March 19, 2019.

Bagama’t wala pang inilalabas na detalye ang Palasyo kung ano ang napag-usapan ng dalawa, una na nilang sinabi na nais ni Pangulong Duterte na magkaroon ng Gentlemen’s Agreement kay Misuari upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Hindi ito ang unang pagpupulong ng dalawa, matatandaang noong Pebrero 25 ngayong taon ay nagpulong din sila sa Malacañang hinggil sa Peace Efforts sa Rehiyon.


Samantala, bago ang naganap na pagpupulong ay pinayagan ng Sandiganbayan Anti-graft Court si Misuari na maka-byahe patungong Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) at Morocco para dumalo sa ilang event.

Tags: , , , ,