Pang. Duterte, binanggit na may 1.6 milyong illegal drug users sa bansa

by Radyo La Verdad | March 25, 2019 (Monday) | 636

METRO MANILA, Philippines – Mayroong 1.6 million illegal drug users sa bansa na gumagastos ng bilyon-bilyong pisong halagang kada buwan. Ito ang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP-Laban campaign rally sa Cagayan de Oro City kagabi.

Aniya, validated ang datos na ito sa ilalim ng pamumuno ng Senatoriable at dating PNP Chief Ronald Bato dela Rosa sa Metro Manila pa lamang.

Nanghihinayang rin aniya siya sa bilyong pisong nasasayang sa droga na maaari na sanang magamit sa pagpapakain at pagpapaaral ng  maraming Pilipino.

Tags: , ,