Pang. Duterte, posibleng magsagawa ng Cabinet revamp

by Radyo La Verdad | June 25, 2019 (Tuesday) | 6078

Posibleng magkaroon ng isang minor revamp sa mga miyembro ng gabinete ni Pang. Rodrigo Duterte. Sinabi ito ng isang source sa Hugpong ng pagbabago Thanksgiving party kagabi kung saan dumalo rin si Pangulong Duetrte.

Isa sa maaari umanong malipat ng pwesto ay si Agriculture Secretry Manny Piñol na sinasabing ililipat sa Mindanao Development Authority.

Sa ngayon ay nirereview pa umano ng Pangulo ang performance ng lahat ng kagawaran.

Samantala, may napili nang bagong general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) si Pang. Duterte, ito ay si Cebu City Police Chief Police Colonel Royina Garma.

Papalitan ni Garma si retired marine General Alexander Balutan na nagbitiw sa pwesto dahil sa personal na dahilan.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , ,