Pangalan ng ilan pang opisyal na iniimbestigahan dahil sa katiwalian, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | May 17, 2018 (Thursday) | 3610

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng iba pang opisyal ng pamahalaan na iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission dahil sa katiwalian.

Ayon sa punong ehekutibo, suspindido na ang mga ito at isusumite niya ang kaso ng mga ito sa Office of the Ombudsman.

Binasa ng pangulo ang mga pangalan sa sidelines ng official visit ni Papua New Guinea Prime Minister Peter O’neill sa Malacañang kagabi.

Kasama dito ang pangalan nina dating DOJ Asec. Moslemen Macarambon Sr. at Asec. Tingagun Ampaso Umpa na una nang inatasan ng pangulo na magbitiw sa pwesto kung hindi ay tatanggalin sa pwesto dahil sa katiwalian.

 

 

 

Tags: , ,