Pangarap na “Wala ng Gutom”, hindi pa naaabot – PBBM

by Radyo La Verdad | May 9, 2024 (Thursday) | 2300

METRO MANILA – Nananatiling malaking hamon sa administrasyong Marcos ang paglaban sa kagutuman.

Sa signing ng alliance agreement sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-CMD, sinabi ni PBBM na hindi pa rin naaabot ng pamahalaan ang mithiin na ito na wala ng magugutom na mga Pilipino.

Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang halaga na maipagpatuloy ang ipinanawagan na pagkakaisa o unity na aniyay solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Kaya naman ayon kay Pangulong Marcos, nais niyang buuin muli ang Uniteam para sa paparating na eleksyon.

Ayon sa pangulo, sa pamamagitan rin ng suporta ng mga kaalyado sa lehislatura maisusulong mga programa o plano ng pamahalaan.





Tags: ,