Pangulong Aquino, muling binatikos ang mga kritiko kaugnay ng mga balitang humihina na ang kanyang kalusugan

by monaliza | March 24, 2015 (Tuesday) | 452

IMAGE_UNTV-News_JAN212013_Malacanang-Photo-Bureau_Benigno-Aquino-III
Dumalo si Pangulong Benigno Aquino III  sa isang major road projects briefing sa Tiaong, Quezon.

Sa talumpati ng Pangulo, pinabulaanan nito ang ulat na may malubha na siyang karamdaman o naisugod siya sa ospital noong Biyernes ng gabi pagkatapos ng kaniyang dinaluhang pagtitipon sa Kawit Cavite.

“marahil ho narinig niyo ang kumalat na iba’t ibang bersyon ng tsismis ‘nung hating-gabi ng Biyernes patawid ng Sabado. Ang sabi po nag-collapsed daw ako sa Malacañang, na may malubha raw akong karamdaman habang ang iba naman ay nagsasabing nasa ICU na ako. Nang makita nila ako ‘nung Sabado ng gabi na wala namang problema sa kalusugan, may panibagong tsismis na namang lumalabas. Kami raw ang nagpakalat ng kathang-isip na ito para lang makakuha ng simpatya sa publiko” pahayag ni Pangulong Aquino III

Dito muling binatikos ng Pangulo ang kaniyang mga kritiko, sinabi ng Pangulo na tsismis at walang basehan ang ulat na ito.

Dagdag ni Pangulong Aquino na pursigido ngayon ang kaniyang mga kritiko upang magdulot ng kaguluhan at agam agam sa publiko ( Nel Maribojoc, UNTV News Senior Correspondent)