Pangulong Aquino, nanatiling may pinakamataas na approval at trust ratings ayon sa bagong Pulse Asia survey

by Radyo La Verdad | October 1, 2015 (Thursday) | 1211

PRESIDENT-AQUINO
Muling nakakuha ng pinakamataas na approval rating si Pangulong Aquino sa latest Pulse Asia Survey na isinagawa noong Sept. 8 to 14 sa 2400 adults.

Base sa Survey, nakakuha ng 54% sa approval rating si Pangulong Aquino.

Kapareho ng rating na nakuha nito noong nakaarang hunyo.

Samantala, nakakuha naman ng 43% approval rating si VP Jejomar Binay, mas mababa ng 15 percent mula sa dating 58 % noong 2nd quarter ng 2015.

Sa trust rating, nakakuha si Pangulong Aquino ng 49% sa 3rd quarter, isang puntos na mababa kaysa sa 50% noong Hunyo.

Bumaba naman ang trust rating ni Binay sa 39% mula sa dating 57%.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,