Pangulong Aquino, pangungunahan ang paggunita sa Araw ng Kagitingan bukas

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 1502
File photo (Malacanang Photo Bureau)

File photo (Malacanang Photo Bureau)

Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang paggunita sa ika-73 Araw ng Kagitingan bukas, April 9.

Gagawin ang komemorasyon para sa Filipino war veterans sa Mt. Samat National Shrine sa Pilar, Bataan kung saan nangyari ang Death March.

Susundan ito ng wreath laying ceremony sa Capas National Shrine sa Tarlac.

Bahagi ito ng one week celebration ng Veterans Week na ginaganap tuwing Abril 5-11 para sa mga War veteran na nagsilbi at nagsakripisyo para sa kapayapaan ng bansa.

At dahil national holiday, lifted ang number coding scheme sa Metro Manila bukas ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Tags: , , ,