Pangulong Aquino, walang ibang ineendorsong presidential candidate ayon sa Malacañang

by Radyo La Verdad | February 12, 2016 (Friday) | 992

joeie_pnoy
Itinanggi ng Malacañang na may ibang kandidato ineendorso sa pagkapangulo si Pangulong Benigno Aquino III sa 2016 Elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, nagpasiya na ang pangulo kung sino ang gusto niyang magpatuloy ng kaniyang nagawa sa bansa.

Aniya, ito’y walang iba kundi si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.

Ayon kay Lacierda ang napaulat na secret candidate ng Pangulo ay spekulasyon at nagpapakita lamang na may mga grupong gustong kunin ang pag-endorso ng Pangulo.

Dagdag pa ni Lacierda na pagpapakita din ito na mahalaga ang endorsement ni Aquino para sa mga kandidato sa darating na halalan.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,