Pangulong Benigno Aquino III, nakatakdang mag-inspeksyon bukas sa mga pantalan,bus terminal at paliparan

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 433

pang.aquino2

Nakatakdang maginspeksyon si Pangulong Benigno Aquino III sa pangunahing pantalan, paliparan at bus terminal sa Metro Manila kung saan inaasahan ang mas maraming bibiyahe pauwi sa kani kanilang mga probinsya.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kagaya na ng nakagawian taun taon, ibig ng pangulo na personal na makita ang kalagayan ng ating mga kababayan na bibiyahe.

Sinabi rin ng kalihim, pangunahing personal na iniinspeksyon ng pangulo ang mga inilalatag na security measures ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at kung papaano laging natitiyak na konbinyente at laging nasa maayos na kalagayan ang mga biyahero.(Nel Maribojoc,UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0