Pangulong Duterte, bibisita sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Rosita – Malacañang

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 2989

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Rosita bukas.

Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, partikular na gustong puntahan ng Pangulo ang Mountain Province kung may mga nasawi at nawawala matapos ang mga insidente ng pagguho ng lupa.

Ayon sa kalihim, inaayos na lamang ang seguridad bago bumiyahe ang Pangulo sa lugar.

Tags: , ,