Pangulong Duterte, hindi magpapatupad ng pagbubukas ng physical classes hangga’t walang bakuna

by Erika Endraca | May 26, 2020 (Tuesday) | 1385

METRO MANILA – Kaugnay ng pagbubukas ng klase, iginiit ni Pangulong Rodrgo Duterte na hindi niya ito pahihintulutan hangga’t walang bakuna at matiyak ang seguridad ng mga bata.

Naniniwala naman ang pangulo na posible nang magkaroon ng bakuna bago matapos ang 2020.

“Yang opening of classes, that is a very, i will not allow the opening of classes na dikit-dikit ang mga bata. Bahala na, di na makatapos for this generation, wala nang matapos na doctor at engineer, wala nang aral, laro na lang, unless i am sure that they are really safe, it’s useless to talk about opening of classes, para sa akin bakuna muna. Pag nandiyan ang bakuna, ok lang.”ani Pangulong Rodrigo Duterte

(Rosalie Coz | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,