Pangulong Duterte, itatalaga bilang bagong AFP chief si Lt. Gen. Madrigal – Malacañang source

by Radyo La Verdad | December 5, 2018 (Wednesday) | 2921

Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Lieutenant General Benjamin Mardrigal batay sa isang source ng UNTV News sa Malacañang.

Si Madrigal ang hahalili kay AFP Chief General Carlito Galvez Jr. na nakatakdang magretiro sa ika-12 ng Disyembre 2018.

Si Madrigal ay hepe ng Eastern Mindanao Command sa Davao City at nangunguna sa mga operasyon kontra New People’s Army (NPA).

Si Madrigal ay kabilang sa Philippine Military Academy Sandiwa Class of 1985.

Balak naman ni Pangulong Duterte na italaga si Galvez bilang susunod na Presidential Adviser on the Peace Process kapalit ng nagbitiw na si Jesus Dureza.

 

 

Tags: , ,