Pangulong Duterte, nais lang magbitiw si VP Robredo kaya sinabing wala siyang tiwala dito – Sen. Lacson

by Radyo La Verdad | November 20, 2019 (Wednesday) | 876

Nais lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na paalisin na si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kasunod ng pahayag nito na hindi siya nagtitiwala kay VP Robredo.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, nais lamang ng Pangulo na kusa itong magbitiw sa pwesto.

Ayon pa kay Lacson, kung ang Pangulo na Commander in Chief ng Sandatahang Lakas ang nagsabing wala siyang tiwala kay Robredo, ano pa ba ang aasahan ng Pangalawang Pangulo sa dalawampung ahensiya na miyembro ng ICAD.

(Nel Maribojoc)

Tags: , ,