Pangulong Duterte, nais pagbuklurin ang partido kaya nakipagpulong sa PDP-Laban

by Radyo La Verdad | August 9, 2018 (Thursday) | 3112

Kinumpirma ng Malacañang na ang pagpupulong ni Pangulong Rodrigo sa mga opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) ay upang pagbuklurin ang partido.

Ito ay matapos ang ulat na nabahagi ito sa dalawang paksyon, ang grupo na pinangungunahan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na kasalukuyang PDP president at ni Rogelio Garcia, isang abogado at dating classmate ni Pangulong Duterte.

Ang punong ehekutibo ang kasalukuyang chairman ng partido.

Tags: , ,