Pangulong Duterte, nakatakdang bisitahin ang mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Ormoc, Leyte

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 776


Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Ormoc, Leyte.

Una sa schedule ng pagbisita ang aerial inspection sa mga damaged area sa Kananga, Leyte at Ormoc City.

Magsasagawa rin ng situation briefing sa punong ehekutibo ang mga local government official ng Ormoc at Leyte.

Una nang nagkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng gabinete at kinatawan ni pangulong duterte sa mga local government unit noong Martes matapos tumama ang 6.5 magnitude na lindol sa Jaro at Ormoc, Leyte.

Tags: , ,

Leave a Reply