Pangulong Duterte, nangako ng 5-minutong biyahe mula Cubao hanggang Makati sa December

by erika endraca | June 10, 2019 (Monday) | 396

MANILA, Philippines – Muling nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng improvement sa traffic sa EDSA sa buwan ng Disyembre.

Aniya, mula Cubao patungong Makati City, magiging 5 minuto na lamang ang travel time.

Isa sa mga campaign promise ng pangulo noong May 2016 elections ang pagresolba ng trapiko sa EDSA subalit hindi granted sa senado ang emergency powers na hinihingi ng economic managers nito.

Ipinauubaya naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa susunod na kongreso kung maipagkakaloob ang emergency powers na hinihiling ng punong ehekutibo.

Si Senator-elect Francis Tolentino ang inaasahang magrefile ng panukala hinggil dito.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,