Pangulong Duterte pinahaharap sa imbestigasyon ang negosyanteng si Peter Lim matapos silang magkita sa Davao City

by Radyo La Verdad | July 18, 2016 (Monday) | 839
File Photo

File Photo

Pinahaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ang Cebu businessman na si Peter Lim na umano’y isa sa top drug lords sa bansa.

Sa kanilang pagkikita noong Sabado ng gabi sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Davao City, inusisa ni Pangulong Duterte si Lim kung siya nga ba ang sinasabing Visayan member ng drug triad.

Ayon sa pangulo, dapat patunayan ni Lim na hindi siya ang negosyante at drug lord na si Peter Lim alyas Jaguar na nakalista sa matrix ng drug triad dahil kung hindi ay baka malagay sa alanganin ang kanyang buha.y

Tiniyak naman ni Lim na haharap siya sa imbestigasyon upang malinis ang kanyang pangalan dahil apektado na ng isyu ang kanyang pamilya at negosyo sa Cebu.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,