Pangulong Duterte, pirmado na ang batas na magpapaliban sa Barangay at SK Elections sa taong 2022

by Erika Endraca | December 4, 2019 (Wednesday) | 10133

METRO MANILA – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections mula May 11, 2020 sa December 5, 2022.

Ibig sabihin, 2 halalan ang mangyayari sa taong 2022 ang Presidential Elections sa Mayo at ang Barangay at SK Elections sa Disyembre.

Sa ilalim na bagong batas, mananatili ang lahat ng kasalukuyang Barangay at SK officials sa pwesto hanggang 2022 liban na kung maaalis sa pwesto o masususpinde.

Sa January 1, 2023 naman, mauupo ang mga bagong halal na opisyal sa barangay at mangyayari ang eleksyon sa barangay tuwing pagkatapos ng 3 taon.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,