Pangulong Duterte, planong bumisita sa bansang Kuwait upang magpasalamat

by Radyo La Verdad | June 13, 2018 (Wednesday) | 1876

Planong bumisita ni Pangulong Rodrigo Durterte sa Kuwait upang personal na magpasalamat sa Kuwaiti government.

Dahil ito sa pagpayag nito sa kanyang mga kahilingan para sa proteksyon ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nagta-trabaho doon.

Kabilang dito ang pagbibigay ng isang araw na rest day, at ang hindi pagkumpiska sa passport at cellphone ng mga OFW.

Subalit wala pang sinabing partikular na petsa ang pangulo kung kailan ito magtutungo sa naturan Gulf state.

 

Tags: , ,