Pangulong Duterte, posibleng bumaba kung mananalo sa electoral prostest si Sen. Bongbong Marcos

by Radyo La Verdad | August 16, 2018 (Thursday) | 1849

MANILA, Philippines – Posibleng bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung mananalo sa electoral protest si dating Senador Bongbong Marcos ayon sa Malacañang.

Una nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung bababa man siya sa pwesto, nais niyang humalili sa kaniya bilang Pangulo ng bansa si dating Senador Bongbong Marcos o kaya ay Senador Chiz Escudero.

Ayon sa Malacañang, kung maipapanalo ni Senador Bongbong Marcos ang electoral protest nito laban kay Vice President Leni Robredo, posibleng magkatotoo ang sinabi ng punong ehekutibo na di na tatapusin ang kaniyang termino.

Nabanggit ng Pangulo pagod na siya at ibig nang bumaba sa pwesto dahil tila ‘di na mareresolba ang katiwalian at maging ang suliranin sa iligal na droga sa bansa.

 

Tags: , ,