Pangulong Duterte sa pahayag hinggil sa paggamit ng marijuana: nagpapatawa talaga ako

by Radyo La Verdad | December 4, 2018 (Tuesday) | 1955

Muling nagbitiw ng kontrobersyal na pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte nang pangunahan nito ang pagkilala sa mga ahensya ng pamahalaan, opisyal at empleyado bilang bahagi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) National Organizing Committee (NOC) sa Malacañang kahapon.

Ayon sa punong ehekutibo, upang manatiling gising sa hectic schedule ng ASEAN Summits, gumamit umano siya ng marijuana.

Gayunman, nang klaruhin ng media kung ano ang ibig sabihin ng Pangulo sa kaniyang naging pahayag, sinabi nitong nagbibiro lamang siya sa kaniyang talumpati. Ito ay upang iwasang maging boring ang pakikinig ng audience.

Kilala si Pangulong Duterte sa kaniyang mga kontrobersyal na pahayag at mga pagbibiro.

Subalit aniya, wala sa kaniyang makakapigil o makakapilit sa kaniyang baguhin ang istilo ng kaniyang pananalita.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,