Pangulong Rodrigo Duterte, may SONA rehearsal sa Malacañang sa Linggo

by Radyo La Verdad | July 19, 2018 (Thursday) | 3495

Magkakaroon ng rehearsal para sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang sa darating na Linggo, ika-22 ng Hulyo.

Ito ang kinumpirma nina Presidential Spokesperson Harry Roque at Special Assistant to the President Bong Go.

Sa araw ng Linggo, inaasahang nasa Maynila na ang punong ehekutibo upang ilaan ang huling araw sa pagsasanay ng kaniyang magiging ulat sa bayan sa Lunes, ika-23 ng Hulyo.

Una nang binanggit ng Duterte administration na nasa 35-minute lamang ang magiging talumpati ng Pangulo na maglalaman ng kaniyang personal na pananaw o mensahe para sa mga mamamayan.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,