Pangulong Rodrigo Duterte, nakakuha ng ‘excellent’ trust rating sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan-SWS

by Radyo La Verdad | July 14, 2016 (Thursday) | 5259

PRES-DIGONG
Nakakuha ng markang excellent si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na ginawa sa 1,200 respondents mula June 24 hanggang 27 o ilang araw bago ang inagurasyon, positive 79 o excellent ang net trust rating ni Duterte.

Sa survey ng SWS, mahigit sa walumpung porsyento ang nagsabing napakalaki ng kanilang tiwala kay Pangulong Duterte, five-percent ang ‘little trust’ habang 11-percent naman ang undecided.

Ang rating ni Duterte ay maikukumpara sa nakuha namang positive 83 o excellent trust rating ni dating Pangulong Benigno Aquino the third nang simulan nito ang kanyang panunungkulan noong 2010.

Ikinatuwa naman ng Malacanang ang resulta ng survey kasabay ng pagtiyak na gagawin ng Duterte administration ang lahat ng kanilang makakaya upang matupad ang tungkulin at pangako nila sa bayan.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,