Pangulong Rodrigo Duterte, nakatakdang bumisita sa Cebu

by Radyo La Verdad | August 4, 2016 (Thursday) | 784

DUTERTE
Naghahanda na ang Police Region Office 7 sa kauna-unahang pagbisita bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang military camp sa Cebu.

Ito ang Camp Lapu-Lapu sa Barangay Apas, Cebu City na headquarters ng Armed Forces of the Philippines Central Command.

Upang masiguro ang seguridad magdedeploy ng mga pulis sa mga rutang dadaanan ng pangulo mula airport papuntang central command.

Tiniyak naman ng PRO-7 na nakahanda sila sa anomang sitwasyon o worst case scenarios na posibleng mangyari maging sa mga kilos protesta.

Sa parehong araw ay nakatakda ring bisitahin ng pangulo ang isang kampo sa Capiz.

Maliban dito ay wala pang ibang itinerary na ibinigay sa pulisya.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,