Pangulong Rodrigo Duterte sasailalim sa COVID-19 test -Sen. Bong Go

by Erika Endraca | March 12, 2020 (Thursday) | 3197

METRO MANILA – Sasailalim sa COVID-19 test si Pangulong Rodrigo Duterte ayon kay Senator Christopher “Bong” Go.

Nilinaw naman ng Senador na walang anomang sintomas na nararamdaman ang Pangulo pero gagawin ito ng Punong Ehekutibo upang matiyak na malusog ang pangangatawan nito sa tuwing haharap sa publiko habang ginagampanan ang kanyang tungkulin sa bansa.

Ito umano ay bilang pag-iingat na rin lalo’t ilan sa mga cabinet member na nakakasama ng Pangulo ay nagkaroon ng contact sa isang nagpositibo sa COVID-19.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,