Paninigarilyo ng heated tobacco, ipinagbawal sa Japan

by Radyo La Verdad | February 1, 2018 (Thursday) | 5482

Ipagbabawal na ng pamahalaan ng Japan ang paninigarilyo ng heated tobacco products dahil nag-iipon ito ng nikotina sa bibig at nagiging sanhi ng bad breath at maari rin itong makapagdulot ng sakit na cancer. Gaya sa Pilipinas, magkakaroon lang ng designated smoking areas sa mga establisyimento.

Ayon sa plano na inilahad ng health ministry, bawal na ang paninigarilyo sa hospital, eskwelahan, unibersidad at government office upang makaiwas ang mga estudyante sa masamang epekto ng second hand smoke. Hindi naman pahihintulutan ang mga menor de edad na pumasok sa mga smoking areas.

At dahil papalapit na ang Tokyo Olympics, tiniyak ng mga organizers maipatutupad ng maayos ang smoking ban at masusunod ang probisyon ng pagbabawal sa paninigarilyo.

 

( Ryuji Sasaki / UNTV Correspondent )

Tags: , ,