Paninira at pamumulitika, walang puwang  sa ilalim ng Bagong Pilipinas – PBBM

by Radyo La Verdad | February 5, 2024 (Monday) | 3214

METRO MANILA – Walang puwang ang paninira at maruming pulitika sa ilalim ng “Bagong Pilipinas”

Sa kanyang inilabas na video message kahapon (Feb. 4), sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi ito ang panahon ng paghahatakan pababa.

Sa halip dapat aniya ay unahin ang kapakan ng ating bayan.

“Sa isang bagong Pilipinas, walang puwang ang mga paninira at paghahatakan pababa, unahin natin ang ating bayan. Magbago na tayo dahil walang Bagong Pilipinas kung walang bagong Pilipino” ani Pang. Ferdinand Marcos jr.

Tags: ,