Panukalang 5-year extension ng Martial Law, hindi susuportahan ng mga senador – Sen. Drilon

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 538


Nakatitiyak si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi susuportahan ng Senado ang panukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na palawigin nang hanggang 2022 ang Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Drilon, bagama’t maaaring aprubahan ito ng Kamara, sa tingin niya ay walang senador na aayon na patagalin ng ganun kahaba ang umiiral na batas militar sa Rehiyon.

Taliwas rin aniya ito sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangan na lang niya ng sampu hangang labinlimang araw upang tapusin ang krisis sa Marawi City.

Tags: ,

Leave a Reply