Panukalang batas para gawing legal medical use ng Marijuana, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 465

 

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill No. 180 o ang panukalang batas upang gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa bansa.

Layunin nito na magkaroon ng access ang mga Pilipino sa ligtas at murang  medical cannabis na inireseta ng doktor upang magamot ang ilang malulubhang karamdaman.

Tiniyak naman ng mga mambabatas na may safe guards na inilagay sa panukalang batas upang hindi maabuso ang paggamit nito.

Hindi rin i-didecriminalized ang paggamit ng marijuana sa ibang aspeto.

Tags: , ,

Leave a Reply