Papalit kay PNP Chief Dela Rosa, pinangalanan na umano ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 326

Sa command conference sa Malakanyang kahapon, sinabi umano ni Pangulong Duterte na si Deputy Chief for Administration General Ramon Apolinario o ang ikalawa sa pinaka mataas na opisyal ng PNP ang papalit kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa.

Subalit nilinaw ni PNP PIO Chief PCSupt. Dionardo Carlos na isa itong impromtu introduction sa Cebu kung saan guest of honor si PDDG Ramon Apolinario.

Lahat ng star general ay kandidatong maging Chief PNP basta mayroon pa silang isang taon sa serbisyo.

Subalit kung susundin ang PNP hierarchy, si Apolinario ang susunod na papalit kay Bato maliban na lamang kung may ibang gusto italaga ang Pangulo.

Sa text message naman ni Gen. Apolinario, sinabi nito na hindi pa opisyal ang lumabas na balita at magpo-focus muna siya sa trabaho.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
 

Tags: , ,

Leave a Reply