Parade of lights sa Ormoc City, naghatid ng saya sa mga Ormocanon

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 3002

Naghatid ng kasiyahan sa mga Ormocanon ang isinagawang parade of lights sa Ormoc City all ages ang nag-abang sa pagdaan ng parada ng makukulay at nag-gagandahang float hango naman sa iba’t-ibang Disney at cartoon character ang sampung float na pumarada mula sa iba’t-ibang non-government organization sa Ormoc.

Mayroong Beauty and the Beast inspired na Float, Frozen, Cars, Little Mermaid, Lion King, Avatar, Turbo, Avengers, Tinker Bell, at Moana. Ang pinakabonggang mananalo naman sa nasabing parade of lights ay magkakamit ng isang daang libong piso.

Ang parade of lights ay bahagi ng dalawang linggong selebrasyon ng Piña Festival ng Ormoc City.

Samantala, kasabay nito ay ipinakilala rin ang nag-gagandahang kandidata ng Miss Ormoc 2018.

Ang tatanghaling Miss Ormoc naman ay magkakamit ng isang daang libong piso at magiging automatic candidate sa Miss World Philippines pageant.

 

( Archyl Egano / UNTV News Correspondent )

Tags: , ,