Pardon sa 127 na matatanda at may sakit na preso, tuloy – DOJ

by Radyo La Verdad | January 3, 2017 (Tuesday) | 1382

roderic_aguirre
Muling ipaalala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa isangdaan at dalawampu’t pitong matatanda at may sakit na preso.

Sinabi ng kalihim na masyado lamang naging abala ang pangulo nitong holiday season kaya marahil hindi naasikaso ang bagay na ito.

Tiniyak naman ni Sec. Aguirre na mabibigyan ng presidential pardon ang mga ito dahil ang pangulo mismo ang nag-utos nito.

Buwan ng Nobyembre nang ihayag ng pangulo na bibigyan niya ng executive clemency ang mga inmate na nasa edad walumpu at nakapagsilbi na ng halos apatnapung taon sentensya.

Tags: ,