
Pinaiigting ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang partisipasyon ng kababaihan sa pwersa ng militar sa bansa.
Sa kauna-unahang pagkakataon nagsagawa ang Canadian embassy ng gender, peace at security workshop sa Pilipinas kasama ang AFP at iba pang military organizations ng ibang bansa.
Layon nitong pag-aralan ang iba’t ibang isyung kinakaharap kaugnay ng gender equality at bahagi ng mga kababaihan sa mga military organization sa pamamagitan ng pagbabahagi ng practices ng mga participating country.
Ayon kay Dr. Karen Davis, ang eksperto na nangunang sa gender peace and security workshop, mahalagang maintindihan bilang isang military leadership responsibility ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga kababaihan.
Balak naman ng AFP na paigtingin pa ang pagkakaroon ng ganitong mga seminar sa iba’t ibang sangay ng AFP.
Tags: AFP, kababaihan, militar
METRO MANILA – Nananatiling tapat sa konstitusyon ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kaya naman hindi na anila kailangang isailalim pa sa loyalty check ang kanilang mga tauhan kasunod ng panawagan ni Dating Pang. Rodrigo Duterte sa pulis at militar na kumilos laban sa People’s Initiative at ipagtanggol ang konstitusyon.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi nakikisawsaw sa pulitika ang mga pulis.
At sa halip ay nakatutok aniya sila sa trabaho para sa peace and order ng bansa.
METRO MANILA – Patuloy ang ginagawang pagtutulungan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa panibagong estratehiya upang hindi na makabalik ang pamamayagpag ng CPP-NPA sa bansa.
Ito ang reaksyon ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kasunod ng pahayag ng pangulo na wala nang NPA sa Pilipinas.
Ayon kay Gen. Acorda ang AFP ang nakatututok sa external threat habang ang PNP naman sa internal threat.
Isa aniya sa pinalalakas ng pambansang pulisya ay ang programang “Pulis sa Barangay”.
Sa ganitong paraan aniya, malalaman ng pulisya kung mayroon bagong mukha o may ibang tao sa mga barangay.
Madali din aniyang malalaman ng mga pulis kung mayroong problema ang isang barangay kaugnay sa kanilang seguridad.
METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea.
Ito ang isa sa mga mahalagang mensahe ng pangulo sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagpahayag rin ng pagkabahala si Pangulong Marcos sa insidente ng harassment ng Chinese Coast Guard sa resupply mission sa Ayungin Shoal kung saan nakasama si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.
Tiniyak ng pangulo na patuloy na susuportahan ang AFP sa mga programa nito at sa modernisasyon.
Binigyang diin din nya ang mahalagang papel ng AFP sa mga hamong kinakaharap ng bansa tulad na lamang ng isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Inanunsyo naman ng pangulo ang kaniyang pagapruba sa increase para sa tinatanggap na monthly gratuity pay ng medal of valor awardees.