Mar Roxas, dating SAF Chief Gen. Getulio Napeñas at iba pang resource person sa Mamasapano probe, kasama sa pinahaharap muli sa Jan.27 probe

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 3276

SEN-GRACE-POE
Pinadalhan na ng imbitasyon ang mga magiging resource person para sa January 27 Mamasapano reinvestigation.

Ayon kay Senador Grace Poe, kailangang dumalong muli ang mga naunang pinaharap sa Mamasapano probe noong nakaraang taon.

Kabilang na ang mga nagbigay na ng kanilang testimonya sa executive session ukol sa Mamasapano incident.

Silang lahat ay pinaldahn na ng imbitasyon ng komite.

Nababanggit rin ang ilang pangalan na miyembro ng gabinete na pinaiimbitahan sa Mamasapano reinvestigation tulad nina Executive Secretary Paquito Ochoa at Secretary Sonny Coloma.

Nagkausap na rin sina Poe at Senador Juan Ponce Enrile ukol sa nalalapit na pagdinig.

Hiling ni Enrile kay Poe na mabigyan ito ng pagkakataon na makapag tanong lalot nasa PNP General Hospital ito noong nagsagawa ng imbestigasyon.

Ayon kay Poe, iimbitahan rin ang mga naulila ng SAF 44 upang matanong kung talagang nakakarating sa kanila ang mga benepisyong dapat nilang matanggap.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,