Pasahod ng mga empleyado ng Makati City Hall, inaasikaso na ni Acting Mayor Romulo Peña

by monaliza | March 23, 2015 (Monday) | 1165

makati-city-hall
Isinasaayos na ni Acting Makati Mayor Romulo Peña ang pasahod para sa mahigit walong libong empleyado ng Makati City Hall.

Ipinahayag ni Peña na siya ang may karapatang lumagda sa Land Bank of the Philippines dahil siya ang lehitimong itinalagang acting mayor.

Dagdag pa nito, ginagawa na niya ang lahat upang matiyak na may maiuuwing sahod ang mga manggagawa ng munisipyo.

Sinasabing nangangamba ang mga empleyado ng City Hall na hindi makuha ang kanilang sahod dahil sa kaguluhan sa lokal na pamahalaan ng lungsod.