Pasok sa ilang paaralan sa bansa ngayong araw, suspendido dahil sa masamang panahon

by Radyo La Verdad | July 17, 2018 (Tuesday) | 3774

Nagsuspinde ng klase ang maraming lugar sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon dahil sa nararanasang malakas na ulan.

Walang pasok sa lahat ng antas sa Malabon, Manila, Marikina, Pasay, Cainta at San Mateo sa Rizal, Bataan, ilang bayan ng Batangas, Bulacan, Cavite, Occidental Mindoro, Romblon at Laguna.

Suspendido pa rin ang klase sa pre-school hanggang high school sa Calacan at Malvar Batangas, Hagonoy Bulacan, Coron Palawan, Odiongan at Sta. Maria sa Romblon.

Pre-school to elementary naman sa Quezon City, Caloocan, San Juan, San Jose Batangas at Sta. Maria sa Romblon.

Kanselado na rin ang pasok sa lahat ng antas at maging sa mga tanggapan sa De Lasalle University at FEU Manila habang pre-school to high school naman sa University of the East.

Tags: , ,

Babayarang multa sa illegal parking, mananatili sa P1,000 – PBBM

by Radyo La Verdad | April 25, 2024 (Thursday) | 53449

METRO MANILA – Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na mananatili sa P1,000 ang babayarang multa para sa illegal parking ng mga mahuhuling motorista.

Ipinatigil na muna ni PBBM ang probisyon ng joint traffic circular ng Metro Manila Council na itaas ang multa para sa illegal parking mula P1,000 hanggang P4,000.

Naniniwala naman ang pangulo na madadaan pa sa disiplina ang mga motorista at magkakaroon ng pangmatagalang solusyon sa kinakaharap na problema sa trapiko sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila.

Tags: , ,

P500 dagdag sa sahod sa mga kasambahay sa Metro Manila at P20 sa minimum wage earner sa Caraga region, inaasahan sa 2024

by Radyo La Verdad | December 18, 2023 (Monday) | 47793

METRO MANILA – Inaasahan ang pagtataas sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila at mga minimum wage earner sa Caraga region matapos aprubahan ng kani-kanilang wage boards ang wage increase.

Sa isang pahayag, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kinumpirma ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order na isinumite ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Caraga at NCR noong December 13, 2023.

Sa inilabas na Moto Propio Wage Order ng Caraga RTWPB, noong December 5, madaragdagan ang daily minimum wage ng P20 sa lahat ng sector mula January 1, 2024.

Habang magkakaroon pa ng additional P15 sa second tranche sa May 1, 2024.

Samantala naglabas din ng Moto Propio ang RTWPB ng NCR noong Decembr 12, kung saan nakasaad na madadagdagan ng P500 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.

Dagdag pa ng DOLE, na ang wage orders ng RTWPB ng Caraga ay inilathala nitong December 16 at magiging epektibo 15 days mula sa publication nito

Habang ngayong December 18, 2023 naman ilalathala ang wage order para sa mga kasambahay sa NCR.

Tags: , ,

Water allocation sa NCR at karatig lalawigan, ‘di muna babawasan ng NWRB

by Radyo La Verdad | April 3, 2023 (Monday) | 54749

METRO MANILA – Nasa 48 cubic meters per second ang unang inilabas na alokasyon ng National Water Resources Board (NWRB) ngunit humiling ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na pataasin bunsod ng nararanasang tag-init

Hindi na magkakaroon ng kabawasan sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan nito matapos ilabas ng National Water Resources Board (NWRB) ang pinal na desisyon nito dahil sa hiling ng MWSS na itaas sa 50 cubic meters per second ang pag-release ng tubig.

Nauna nang inaprubahan ng NWRB ang 48 cubic meter per second sa buwan ng Abril ngunit binago nito ang desisyon epektibo bukas (April 4) hanggang April 15.

Ayon kay NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Junior, ito rin ay upang ma-address ang sunod-sunod na water service interruptions na nararanasan sa Metro Manila at kalapit probinsya.

Tags: , ,

More News