Pasok sa mga paaralan sa Maynila ngayong araw, suspendido

by Radyo La Verdad | September 21, 2018 (Friday) | 5265

Sinuspinde ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa syudad ng Maynila ngayong araw.

Ito ay kaugnay ng paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.

Ayon sa executive order 35 na nilagdaan ng alkalde, ito ay upang matiyak na ligtas ang mga mag-aaral sa inaasahang pagdagsa ng mga grupong magsasagawa ng mga kilos-protesta sa iba’t-ibang lugar sa syudad.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,