Pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at State Universities and Colleges o SUCS sa Dec. 26 at Jan. 2, sinuspinde ng Malakanyang

by Radyo La Verdad | December 15, 2017 (Friday) | 2501

Bukod sa regular holiday sa December 25 at 30, idineklara na rin ng Malakanyang na walang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan kabilang na sa mga State Universities and Colleges o SUCS sa December 26 at January 2, 2018, ito ay upang magkaroon ng mas mahabang pagkakataon ang mga empleyado ng pamahalaan na makasama ang kanilang pamilya sa  holiday season.

Inanunsyo ito ng Malakanyang sa pamamagitan ng Memorandum Circular Number 37.

Mananatili naman ang regular operation sa mga opisina ng pamahalaang may kaugnayan sa pagbibigay ng mga pangunahin at mahahalagang serbisyong pampubliko gaya ng pangkalusugan at disaster preparedness at response.

Samantala, suspendido na rin ang pasok sa lahat ng korte sa bansa sa mga naturang petsa batay naman sa deklarasyon ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,