Patay sa pag-atake sa isang museum sa Tunisia, umabot na sa 23

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 801

tuni-MMAP-md

Umakyat na sa 23 ang bilang ng mga namatay sa pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng ISIS sa isang museum sa bansang Tunisia.

Ayon sa mga awtoridad, kabababa lang noon ng bus ng mga turista nang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasuot ng military uniform.

Karamihan sa mga nasawi ay mga turista.

Ayon sa ating embahada sa Tunisia, walang Pilipinong nadamay sa pag-atake.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: ,