Patong sa ulo para kina President-elect Rodrigo Duterte at incoming PNP Chief PCSupt. Ronald Dela Rosa, tumaas sa P50M

by Radyo La Verdad | June 9, 2016 (Thursday) | 4776

DELA-ROSA
Pumalo na sa tig-limampung milyong piso ang patong ng mga drug lords sa New Bilibid Prison para sa ulo nina incoming President Rodrigo Duterte at incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, wala umanong kumagat sa alok ng mga drug lords na sampung milyong piso kaya itinaas ito.

Sa kabila nito, hindi naman umano matitinag si Dela Rosa sa gagawing pagsagupa sa mga drug lords sa kanyang pag-upo bilang PNP Chief.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,