Payong na kayang magtaya ng panahon, naimbento

by Radyo La Verdad | April 19, 2016 (Tuesday) | 764

OOmbrella-600x368
Naimbento ng French company na Wezzo ang isang rainbow colored na payong na “Ombrella” na kayang magtaya ng lagay ng panahon.

Ayon sa Wezzo ang Ombrella ay isang ‘portable weather station’.

Gawa sa reflective surface ang naturang payong at nilagyan ng sensors na nagre-record ng real time data ng light, humidity, pressure, at temperature.

Naka-sync din sa smartphone app ang smart umbrella dahil dito kaya nitong magpadala ng impormasyon at updates sa taya ng panahon ng mas maaga ng 30 minuto.

Hindi rin ito basta-basta maiiwawala dahil kaya rin nitong magpadala ng paalala sa may-ari sakaling ito ay maiwanan.

Sa ngayon ang Ombrella ay mayroon classic at modernong klase.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,