PBBM at VP Sara, nakakuha ng higit 80% trust rating sa isang survey

by Radyo La Verdad | April 20, 2023 (Thursday) | 2756

METRO MANILA – Nanatiling mataas ang tiwala ng mga Pilipino sa pamumuno nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior at Vice President Sara Duterte.

Sa latest tugon ng masa survey ng Octa Research Group, nakakuha ng 80% na performance rating si PBBM habang 84% si VP Sara.

53% naman ang nakuhang performance rating ni Senate President Juan Miguel Zubiri; 59% kay House Speaker Martin Romualdez; at 41% kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.

Pagdating naman sa Trust Rating, 83% ang nakuha ni PBBM; 87% kay VP Sara; 50% kay Senator Zubiri;

55% kay Representative Romualdez; at 39% kay Chief Justice Gesmundo.

Ginawa ang survey mula March 24 – 28 sa 1,200 adult respondents.

Tags: ,