PBBM, bahagyang tumaas ang approval ratings; VP Sara, bumaba ang score – survey

by Radyo La Verdad | December 18, 2023 (Monday) | 2940

METRO MANILA – Nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa pinakabagong approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang survey na isinagawa ng Publicus Asia mula November 29 hanggang December 4.

Batay sa resulta ng naturang survey company nitong December 15, mula 55% noong ikatlong quarter, nakuha ng punong ehekutibo na maiangat hanggang sa 58% ang kanyang score ngayong ika-apat na quarter ng taon, partikular ito sa mga lugar tulad ng North-Central Luzon, South Luzon, at Visayas.

Sa kabilang banda, nagkaroon naman ng pagbaba sa nakuhang puntos ni Bise Presidente Sara Duterte bagamat hindi naman ito malaki dahil mula 62% ay naging hanggang 59% ang kanyang approval ratings.

Ipinakita rin ng naturang survey na tumaas ang overall performance rating ng administrasyon ni Pangulong Marcos mula 53% noong ikatlong quarter, hanggang 61% ngayong ika-apat na quarter ng taon.

Tags: ,