PBBM, tiniyak ang suporta sa pagpapalakas sa pwersa ng AFP

by Radyo La Verdad | July 4, 2023 (Tuesday) | 11845

METRO MANILA – Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang kanyang suporta sa pagpapalakas sa pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng mahalagang papel nito sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.

Ito ang kanyang binigyang diin sa 76th Founding Anniversary celebration ng Philippine Air Force (PAF) sa Clark Airbase sa Pampanga kahapon, July 3.

Ipinakita aniya ng airforce sa nakalipas na mga taon ang suporta nito sa Philippine Army at iba pang law enforcement agencies sa pagpapanatili ng seguridad upang maging ligtas sa anumang banta ang mga komunidad.

Tiniyak naman ng Commander-In-Chief ang suporta ng kaniyang administrasyon sa pagpapalakas ng kapabilidad ng hukbong panghimpapawid ng Pilipinas.

Ayon naman sa commanding general ng PAF na si Lt. General Stephen Parreño, malaki na ang ipinagbago sa kapasidad ng hukbong himpapawid ng Pilipinas.

Tags: , ,