PCOO, pinabubuwag ng ilang senador

by Radyo La Verdad | October 3, 2018 (Wednesday) | 3575

Pinabubuwag ng ilang senador ang Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mas magiging epektibo kung ibabalik ang dating Office of the Press Secretary.

Mayroon rin aniya siyang impormasyon na kaya nilikha ng nakaraang administrasyon ang PCOO maging ang Presidential Communications Development and Strategic Planning Office dahil sa political accomodations.

Mas kilala rin aniya ng international community ang pangalan ng Office of the Press Secretary.

Ayon kay Senate President Sotto, nakausap na niya si Pangulong Duterte sa panukalang ito at payag siya sa naturang ideya.

Tags: , ,